Tuesday, October 2, 2012

Lihim ng Buwan

Sa mga panahong wala pang mga taong lobo, nabubuhay ang mga bampira bilang tagapangalaga ng sangkatauhan. Binigyan sila ng kakaibang lakas at bilis, kasama na rin doon ang kanilang pagiging imortal. Ang kanilang ginagampanang tungkulin ay ang pagpuksa sa mga masasamang tao sa pamamagitan ng pag inom ng mga dugo nito.

Ilang libong taon na ganito ang naging kalakaran hanggang sa may isang bampira na bumago ng lahat. Siya ay si Seth. Naisip niya na kahit kailan ay hindi nila kailangang paglingkuran ang mga mahihinang nilalang na tinatawag na tao. Dahil sa mas malakas siya sa mga kapwa niya bampira, nagawa niyang patayin ang sino mang tututol sa kanyang kagustuhan.

Si Seth ay may itinuturing na kapatid, ito ay si Ceres. Tulad niya ay malakas din ito. Kahit pa alam niyang hindi nito sinasang ayunan ang kanyang paniniwala, hindi rin naman siya nakakarinig ng pagtutol mula dito kaya hindi niya ito itinuturing na kaaway.

Sa bawat buwan, inaalayan silang magkapatid ng mga tao. Ang dugo ng mga alay na ito ang kanilang iniinom. Isang beses, napansin ni Seth na mas marami ang hinihiling na alay ni Ceres kesa sa kanya. Naisip niya na baka nagpapalakas ito at baka siya ay kalabanin nito kahit na anong oras. Dahil likas siyang maingat, hindi muna niya ipinakita na may napapansin siyang kakaiba dito, bagkus ay lihim na lang niya itong inobserbahan.

Sa isang pagkakataon na si Ceres ay tumanggap ng alay, lihim niyang pinanood ito. Napag alaman niyang hindi pala nito pinapatay ang mga alay sa kanya. Ang bawat isang alay ay iniinunan nga niya ng dugo ngunit kaunti lang, pagkatapos ay pinapatakas pala niya ito. Hindi maganda ang naging tingin ni Seth sa mga pangyayari, kaya noon din ay napagdesisyunan niyang ituring si Ceres bilang kaaway.

Inatake niya ito noong oras ding iyon. Hindi naman nakahanda si Ceres kaya nasugatan siya ng malalim ni Seth. Walang naging pagpipilian si Ceres kundi ang tumakbo at magtago.

Kasama ang kanyang alagang lobo, tumakbo ng tumakbo si Ceres hanggang sa halos mawalan na siya ng malay. Malalim ang pagkakabaon ng espadang pilak sa kanya at pakiramdam niya at malapit na ang kanyang katapusan. Nagsisimula nang magdilim ang kanyang paningin ng naramdaman niyang may humugot sa espada mula sa kanyang dibdib. Inilapit ng kanyang tagapagligtas ang mukha nito sa kanya.

"Alam kong wala pa sa plano mo ang mamatay, ako man ay ganoon din. Gusto mo bang tulungan kita?"

Madumi ito at talaga namang mukhang gusgusin, ngunit naramdaman ni Ceres ang kakaibang kapangyarihan na tinataglay nito. Tiningnan niya ito sa mata.

"Kung sasabihin kong oo, ano naman ang kapalit?" Pilit niyang nilalabanan ang matinding tukso na nag aaya sa kanya na sumuko at mamatay na lamang.

"Ibibigay ko sa iyo ang pangalawang buhay, kapalit ng pagiging imortal mo." Ngumiti pa ito at lumabas ang mga nangingitim na ngipin nito.

"Gagawin mo akong tao?" Sana naman ay matapos na ang usapang ito... Tama na ang sakit na nararamdaman ko.

"Masasayang ang pagliligtas ko sa iyo kung gagawin lang kitang tao. Bibigyan kita ng kakayahang labanan ang iyong kapatid sa pamamagitan ng pagpapalit ng iyong anyo." Mabilis ang paglabas ng dugo mula sa kanyang dibdib at nahihirapan na siyang huminga. Mahirap paghilumin ang sugat pag nakarating na sa puso. Mahinang tango na lang ang naisagot ni Ceres sa kanyang tagapagligtas.

Nagsimula itong magsasayaw at magpapalahaw. Ang kanyang alagang lobo ay nahiga lang sa kanyang tabi habang ang matandang babae ay umiikot sa kanila. Pinanood lang ng lobo ang matanda, tila ba iniintindi ang ginagawa nito. Nagliwanag ang katawan ng matanda at bumata ang itsura nito. Ang madungis na anyo ay napaltan ng kakaibang kagandahan. Si Ceres naman ay nararamdaman ang sarili na lumulutang, umiikot, umiikot ng mabilis na mabilis hanggang sa hindi na niya makita ang paligid sa bilis, hanggang sa huminto ang lahat, pati ang paghangin sa paligid.

Nakita ni Ceres ang sariling katawan ay hindi na sa tao kundi sa isang lobo. Naluha siya at naisip na ito na pala ang kapalit ng kagustuhan niyang mabuhay.

"Huwag kang mag alala. Babalik ka rin sa dati mong anyo. Ngayon ka lang ganyan dahil sa unang palit balat mo. Nangangako akong babantayan kita panay, anak ko."

Nagtatanong ang mga mata ni Ceres ng tingnan niya ang babaeng kausap niya.

"Nagmula sa galit ko sa mga tao ang paglikha ko sa mga bampira. Pinabayaan lang akong gawin ang mga bampira dahil sinabi kong magiging tagapag tanggol sila ng mga tao, ngunit ang katotohanan, nais kong gumawa ng isang nilalang na papatay sa mga taong masasama, hanggang sa maubos ang mga tao sa mundo, dahil sa ang paniwala ko, ang lahat ng tao ay may potensyal na maging masama. Sa ginawa kong iyon, naubos ang aking lakas. Noong una, inisip ko na tama ang aking ginawa, ngunit huli na ng gustuhin kong bawiin ang pagkakagwa ko sa mga bampira. Wala na akong lakas na natitira upang maging posible iyon. Ang pagliligtas kong ito sa iyo na lang ang tanging paraan upang maiayos ko ang lahat."

"Ngayong kinuha ko ang iyong imortalidad, binigyan naman kita ng kakayahang magkaroon ng anak sa isang tao. Kasama rin ng pagkuha ko ng bagay na iyon sa iyo ay ang isang pangako na darating ang panahon na matatapos din ang kaguluhang ito. Kapag ako ay nawala, tawagin mo na lang akong Inang Buwan." Hinawakan niya ang pisngi ng lobo at nagliwanag ng maliwanag na maliwanag. Halos mabulag si Ceres sa sobrang liwanag at biglang naglaho ito.

Tumingala siya sa langit at nakita niya ang isang liwanag na nasa kalangitan. "Inang Buwan..." naiusal ni Ceres sa kanyang sarili...

a silent cry


let me wallow in my pain
let my death be silent
as silent as my sighs
that remain unheard by you

every single line i said
it never did exist
the way we never did
i know i am dead

all is in the blackness of my mind
memories swirl back and forth
replay, fast forward
i need to escape the loop

every truth i know were gone with you
tears that remain unshed stung my eyes
the cry at the back of my throat
is the pain that tells me this is real

Saturday, April 14, 2012

DOUBTING THOMAS

John 20: 19-31
When it was evening on that day, the first day of the week, and the doors of the house where the disciples had met were locked for fear of the Jews, Jesus came and stood among them and said, "Peace be with you." After he said this, he showed them his hands and his side. Then the disciples rejoiced when they saw the Lord. Jesus said to them again, "Peace be with you. As the Father has sent me, so I send you." When he had said this, he breathed on them and said to them, "Receive the Holy Spirit. If you forgive the sins of any, they are forgiven them; if you retain the sins of any, they are retained."
But Thomas (who was called the Twin), one of the twelve, was not with them when Jesus came. So the other disciples told him, "We have seen the Lord." But he said to them, "Unless I see the mark of the nails in his hands, and put my finger in the mark of the nails and my hand in his side, I will not believe."
A week later his disciples were again in the house, and Thomas was with them. Although the doors were shut, Jesus came and stood among them and said, "Peace be with you." Then he said to Thomas, "Put your finger here and see my hands. Reach out your hand and put it in my side. Do not doubt but believe." Thomas answered him, "My Lord and my God!" Jesus said to him, "Have you believed because you have seen me? Blessed are those who have not seen and yet have come to believe."
Now Jesus did many other signs in the presence of his disciples, which are not written in this book. But these are written so that you may come to believe that Jesus is the Messiah, the Son of God, and that through believing you may have life in his name.



Just when I almost slept during the homily, a thought came to me that really gave that start.  No matter how much you have doubted in the past, there is a God whom you can always come home to.  It is indeed a gospel about us being almost faithless, and a God who reciprocates that faithlessness with so much love.  It is a gospel about hope.  We can always start over and there is a God who is waiting to lend us a helping hand every time we need one.

Tuesday, December 27, 2011

Siguro it would be easier if i just don't give a damn as to whatever people might view this blog. Afterall, this is just me and no one else... I believe that i can't move forward unless i give up being this self conscious... I will make this blog my diary from now on... Yes, this is truly a window to me. I am thinking of writing a story. Sana naman ma publish. I just can't go into details for now. Mahirap na at baka madale ako ng plagiarism... I hope I get this thing rolling by next year. Procrastination is really horrible.. Procrastination plus nervousness makes a very powerful pair, so it is hard, but not impossible to overcome...

Tuesday, December 6, 2011

THE RIGHT NOT TO BE ABUSED

This is something I picked up on the web a long time ago, but then it still applies. Read on and think.

Abusers entice victims. Most victims are attracted to abusers because they don’t present themselves as such. An abuser would not say, “Hello Mate, I am an abuser. Would you like to be my next victim?” To say that abusers are not aware of their intentions is like saying that Kuya Germs, at the age of 75, still has a sexual identity crisis. Anyway....


Being an abuser is not a diagnosis or a psychological disorder, but a behavioral profile. It may mean a symptom of a deeper mental disease like bipolar disorder or of a mere conduct disorder or simply of being a jerk! Abusers can smell a potential victim from a distance the way a lion can sense its prey across the miles. Victims are often vulnerable: in need, lost, weak, disorganized, confused, and lonely. Now, you see why the Philippines attract abusive politicians?

While there is no single personality profile that fits perfectly to all perpetrators of a particular crime, criminologists and personality psychologists will tell you that there is a number of common factors that are typical of those who commit particular crimes. This is the concept that criminal profiling is founded upon.

Spotting an abuser is as simple as opening your eyes --

to the obvious,
and not so obvious, signs.


Instant Display of Caring is what you should worry about! There are people who are generous souls who offer their help to strangers. But the abuser’s distinct quality is in the subtle intrusion into your inner sanctum, into your heart and soul, where they demand access.

I am highlighting some alarm signals so that you can avoid falling into the web:

1. First and foremost abusers are excellent actors. It makes no difference what gender the abusive personality is, their primary skill is to emulate normal behavior in order to disguise their own condition. Male abusers are often extremely charming and come off as "Mr. Nice Guy". How do you assess if they are acting? It is difficult but it is best to pull the bull by the horn. Ask them squarely, “Why are you so nice to me?” If they are rattled, there’s your clue.


2. Abusers make you feel important. While abusive behavior is about control and manipulation of victims, the pre-abuse ritual is VIP-treatment that makes the victim feel like a king or a queen or a fairy. Yet, they always claim that they don’t have OTHER intentions. (That is your alarm signal.)


3. Abusers make you feel indebted. They will sense your needs and offer to address them. They feign real concern about your well-being. They will play up the "sensitive guy" role. It doesn’t matter whether it’s giving you a simple umbrella (ela ela ela) or access to high society, the point is you feel that your needs are their priority.


4. Abusers will get you to feel sorry for them. They will use sob-stories of childhood abuse or trauma, lost friends or the death of relatives. They want you to feel that they can identify with your tragedy.


5. Abusers are fond of making difficult promises. The clue is this: they make you feel that ONLY they and they ALONE can make it happen. That creates an invitation to dependency. But if they say, “I don’t have much but I can offer this to you until you can find another help.” That is your genuine article there.

At the risk of sounding like a pseudo-psychologist, I assert that the best way of avoiding Abuser is to stop acting or feeling like a victim. Build your inner strength. Find your resources.

Inner strength is like a sign that makes the abuser read; BACK OFF!

Wednesday, March 2, 2011

Dianne

"Gising, gumising ka anak ko!"

Iminulat ni Dianne ang kanyang mga mata. Bahagya niyang kinusot ito at nilinga ang kwarto, saka bumuntong hininga. Salamat at nakabalik na siya. Niyakap niya ang kanyang ina at tila ba gusto niyang maiyak.

"Ang panaginip na naman bang iyon, iha?"

Tumango lang siya.

"Huwag mo nang isipin masyado iyan. Tara dito at may ipapakita ako sa iyo."

Hinawi ni Dianne ang kurtina at nakita niya ang maraming tao sa ibaba. Nandoon ang kanyang Daddy at abala sa pagmamando sa mga tao kung saan ilalagay ang mga lamesa at upuan. Kinawayan siya nito at gumanti rin ito ng kaway. Siguro nga ay hindi na niya dapat pang pansinin ang napanaginipan at intindihin na lang niya ang nangyayari ngayon. Bukas ang kanyang birthday kaya dapat ngayon pa lang ay masaya na siya. Ngumiti si Dianne at sinimulan na ang kanyang regular na araw dito sa buhay niyang ito.




Monday, February 21, 2011

May Ann


Maliwanag at madilim ang paligid. Wala ng araw ngunit napalitan naman ito ng napakaraming ilaw ng syudad. Para bang gusto ng kalimutan ng sangkatauhan ang pagdating ng gabi. Tuloy pa rin ang trabaho, tuloy pa rin ang dami ng tao. Ngumiti si May Ann at malapit na siya umuwi.

Madilim ang daan, maitim ang lupa. Umaangat ang baho ng estero at ang kawalan ng pag asa ng mga taong nasa paligid. May mga nag iinom sa daan, may mga batang naglalaro at ubod ng dususing. Mayroon ding mga nagsusugal sa daan. Doon sa mga nagsusugal kabilang ang ina ni May Ann. Napansin lang ni May Ann na pinipigil pala niya ang hininga niya ng tawagin siya ng kanyang ina.

"Hoy May Ann, tara nga dito at bitin ako ng pang taya dito."
Gusto sana ni May Ann magbingi bingihan ngunit huli na at nakita ng ina niya na nakatingin siya ditto.
“Pero nanay, wala pa po kaming hapunan nina Junjun.”
“Aba at sasagot ka pa ha! Akina na yan! Pag ako nakabawi dito, kahit litson, ipapaulam ko sa inyo.” Nangako na naman ang kanyang ina ng walang tuparan. Ganyan naman palagi ang sinasabi niya, pero kahit kelan ay wala namang buti naidulot ang pagsusugal nito.
Tumingin si May Ann sa paligid. Halos karamihan ay may iba’t ibang bisyo upang malibang at makalimutan ang buhay na kinasasadlakan nila sa kasalukuyan. Pareho lang din siguro sila ng mga taong ito. Siya man ay gustong umalis dito. Mabigat ang loob, iniabot niya ang pera sa kanyang ina. Matutulog na naman silang kumakalam ang sikmura.