Maliwanag at madilim ang paligid. Wala ng araw ngunit napalitan naman ito ng napakaraming ilaw ng syudad. Para bang gusto ng kalimutan ng sangkatauhan ang pagdating ng gabi. Tuloy pa rin ang trabaho, tuloy pa rin ang dami ng tao. Ngumiti si May Ann at malapit na siya umuwi.
Madilim ang daan, maitim ang lupa. Umaangat ang baho ng estero at ang kawalan ng pag asa ng mga taong nasa paligid. May mga nag iinom sa daan, may mga batang naglalaro at ubod ng dususing. Mayroon ding mga nagsusugal sa daan. Doon sa mga nagsusugal kabilang ang ina ni May Ann. Napansin lang ni May Ann na pinipigil pala niya ang hininga niya ng tawagin siya ng kanyang ina.
"Hoy May Ann, tara nga dito at bitin ako ng pang taya dito."

Gusto sana ni May Ann magbingi bingihan ngunit huli na at nakita ng ina niya na nakatingin siya ditto.
“Pero nanay, wala pa po kaming hapunan nina Junjun.”
“Aba at sasagot ka pa ha! Akina na yan! Pag ako nakabawi dito, kahit litson, ipapaulam ko sa inyo.” Nangako na naman ang kanyang ina ng walang tuparan. Ganyan naman palagi ang sinasabi niya, pero kahit kelan ay wala namang buti naidulot ang pagsusugal nito.
Tumingin si May Ann sa paligid. Halos karamihan ay may iba’t ibang bisyo upang malibang at makalimutan ang buhay na kinasasadlakan nila sa kasalukuyan. Pareho lang din siguro sila ng mga taong ito. Siya man ay gustong umalis dito. Mabigat ang loob, iniabot niya ang pera sa kanyang ina. Matutulog na naman silang kumakalam ang sikmura.